PCSD
Palawan Council for
Sustainable Development

Ang Balitang SEP ay mga ulat hango sa mga gawain, programa at mga proyecto ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) sa pamamagitan ng PCSDS. Minsan isang buwan ito lalabas dito sa lathalaing Reporter. Natutuwa ang pamunuan ng PCSD, na muling maiulat sa mga mambabasa ang mga apdeyts para sa dagdag na kaalaman at makakapulutan ng mga ideya tungo sa “kritikong pagdesisyon” ng mambabasa kaugnay sa usaping “sustainable development”. May iba pang porma ng pagpapaabot ng impormasyon ang PCSD: “SEP Ating Batas” Radyo ng Bayan-Palawan, 8:00-9:00 ng umaga tuwing araw ng lingo, o bisitahin ang www.pcsd.ph, o dili kaya ay sa PCSDKonek.

Para sa dagdag pagkakakitaaan, mga Punlang Nipa Itinanim
ECAN, Nasa Barangay Na!

Halos limang libong punla ng ‘nipa’ ang itinanim sa limang ektaryang kabakawanan sa Bgy. Maruyugon noong ika 24 ng Marso kasama ang mga taga-Maruyugon, mga kawani ng gobyerno kabilang rito ang PCSDS.Siyam (9) na mga munisipyo ng Palawan ang nagtaguyod ng ECAN-CRM Community Learning Centers (CLC) bilang pagtalima sa RA 7611 o SEP Law. Ang mga ECAN-CRM ELCenters na ito ay magsisilbing huwaran kung papaanong itaguyod o “itanim” ang ECAN sa kabayanan para maramdaman na ng sambayanan.

Ang prosesong Coastal Resource Management (CRM) ang pinili para mapangalagaan at magamit ng maayos ang karagatan sa pamamahala ng komunidad. Ang pagsulong ng PCSD sa Community Learning Centers ay bunsod ng mga tagubulin sa isinagawang 1st Palawan Environment & Economic Summit noong 2005.

Ang ECAN (Environmentally Critical Areas Network) ang pangunahing estratehiya ng SEP. Ang alituntunin ng pagpapatupad nito ay matagal ding binalangkas ng PCSD sa tulong ng mamamayan, at dumaan sa maraming mga rebisyon. Napapanahong ito ay makita na sa larangan, at ang modelo ng ECAN-CRM Learning Centers ang isa sa mga paraan.

Ang mga CLCenters na nagsimula na ay matatagpuan sa Bgy. Maruyugon (Puerto Princesa City), islang bgy.Iniabot ni G. Romeo Dorado, OIC-Executive Director ng PCSD kay Kap. Leopoldo Casilan ng Maruyugon ang sipi ng ECAN CRM Management Plan na binuo ng mga taga-Maruyugon. ng Malinsuno sa Balabac, Isugod sa Quezon, Bgy. Rizal sa Roxas, Pamantolon (Taytay), Bgy. Tagumpay sa Coron, Port Barton sa San Vicente, Dalayawan sa Araceli at San Juan sa Dumaran. Iba-ibang bahagdan na ng mga gawain ang ipinatutupad dito sa mga lugar na nabanggit.

Sinimulan ang inisyatibo ng ECAN-CRM sa pamamagitan ng pagbuo ng ECAN-CRM Management Plan, na sama-samang binalangkas ng komunidad sa tulong ng PCSDS. Iba’t-ibang proyecto ang nakahanay sa Plano, na unti-unting pinatutupad ng LGU, barangay at komunidad. Sa Bgy. Isugod, Quezon halimbawa, natapos na ang isinagawang Mangrove Rehabilitation Project sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga bakawan para magamot ang pagkasira ng kabakawan, kaugnay nila dito ang Development Bank of the Philippines na naglaan ng pundo para sa gawain.

Ngayon, abala sila sa paglalatag ng posibleng mga livelihood projects. Sa Malinsuno naman sa Balabac, tapos nang maisagawa ang pagtukoy ng kanilang fish sanctuary, kasama ang pagtatasa ng kalagayan nito, malapit ng simulan ang seaweed farming project. Ganito din ang mga gawain sa San Vicente.

Sa Bgy. Maruyugon naman dito sa lunsod, katatapos lamang ng sama-samang pagtatanim ng mga nipa, sa mahigit 5 ektarya ng kabakawan. Bahagi pa ito ng kanilang mangrove rehabilitation project na nakasaad sa kanilang Management Plan. Hindi lamang rehabilitasyon ang pakay, kundi hanapbuhay na rin. Maraming pakinabang mula sa halamang nipa, na sa hinaharap ay pagkakakitaan ng mga kababaihan ng Maruyugon.

Tuloy-tuloy ang mga gawain sa mga ECAN CRM Learning Centers at minamanmanan ito ng PCSDS na may kaakibat na dokumentasyon upang mai-rekord ang bawat tagumpay at maging kabiguan sa pagtataguyod. Magagamit ang dokumentasyon sa pagpapakalat na ng mga inisyatibong ECAN-CRM sa iba pang mga lugar.

PCSDS, Kapit-kamay!

Iba’t-ibang “team-building activities” ang isinasagawa ngayon sa PCSDS. Pinatutupad ni OIC Exec. Dir. Romeo B. Dorado ang buwanang miting ng buong tauhan ng PCSDS. Ipinapaliwanag dito ang mga buwanang gawain ng tanggapan para maintindihan at magkatuwang na isasagawa ng staff. Kasama din dito ang “Month’s Featured Division/Unit” kung saan masusing ipinapaliwanag ng isang dibisyon ang mga nakalinyang programa at ipagbuklod na rin ang pagkilos kasama ang iba pang dibisyon ng tanggapan, alinsunod sa taunang Work Plan ng PCSDS. Pagkakaisa ang tema ng buwanang aktibidades na ito. Sinisimulan ang buwanang pagpupulong na ito ng isang misa at espiritwal na pananalita mula sa mga imbitadong bisita para maging inspirasyon at gabay sa pang-araw-araw na pagsasamahan ng PCSD Staff. Nakahanay ding gawin ang pakikisalamuha ng staff sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga gawain kaugnay sa pagpapatupad ng SEP. Kamakailan ay nakianib ang staff sa komunidad ng Maruyugon para magtanim ng nipa, nakahanay naman ang pakikisalamuha sa komunidad ng Isugod, Quezon at Bgy. Malinsuno sa Balabac para sama-samang ilunsad ang mga proyecto kaugnay sa kani-kanilang ECAN-CRM Community Learning Models. Ngayong buwan ng Mayo isasagawa ang “PPpP” (Palarong Pakulo para sa Pagkakaisa) isang “Inter-color Games” ang isasagawa upang mapalakas pang lalo ang samahan ng mga tauhan ng PCSDS. Matatandaang nabalot din ng kontrobersiya ang PCSDStaff kamakailan.

Bagama’t usaping pang-Konseho ang dahilan, hindi maiiwasang naapektuhan ang mga tauhan. Alinsunod na rin sa tagubilin ng PCSD kay OIC-ED Dorado, dapat pangunahing tutukan sa panunungkulan nito ang muling pagpapatingkad sa samahan ng staff, lalo na’t matindi ang hamon ng gawaing teknikal na ginagampanan nito para sa Kunseho at para sa lalawigan sa pangkalahatan.

Unlad-Balita

PCSD, May Bagong Miembro

Nanumpa bilang bagong miembro ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) siG. Noel Matta, Pinuno ng Palawan Provincial Tourism Association. Pinangungunahan ni Chairman Abraham Mitra ang oath-taking ceremony na ginanap sa training hall ng Palawan Sustainable Development Training Institute, Irawan, Puerto Princesa City.

PCSD Staff Pinarangalan

Dalawampu’t isang (21) mga tauhan ng PCSDS na tumalima sa Exec. Order 366 o Rationalization program ng pamahalaan ang binigyan ng parangal kamakailan. Plake ng Pagsaludo sa serbisyo at “regalong pang-alala” ang iginawad ng PCSDS sa pamamagitan ni OIC Dorado.
Isang simpleng palatuntunan din ang iginawad sa kanila na pinamagatang “Good Luck…God Bless”. Ito ang pagkakataong kapwa nagpalitan ng pasasalamat ang mga kawani sa mahabahaba ring pagkakataong nagkasama bunsod ng isang damdamin ng tapat na serbisyo para sa Palawan.
Natanggap na rin ng mga kawani ang insentibong pinansyal na iginagawad sa mga “rationalized staff” na malaking tulong sa panibagong buhay nila sa labas ng PCSDS.

Converge Workshop, Ginanap

Isang workshop ang isinagawa sa Balabac kamakailan kaugnay sa proyectong Sulu-Sulawesi Seascape (SSS) na magkaugnay na pinatutupad ng Conservation International, PCSDS, WWF, PSU at ng Lokal na Pamunuan ng Balabac.

Lumahok dito ang mahigit 50 mga opisyales ng mga barangay at munisipyo at kabarangay. Ilang sanggunian na rin ang isinagawa sa lugar, at ang “convergence” na ito ay ang pag-uulat ng bunga serye ng workshops.

Umaasa ang lahat na maisakatuparan ang mga adhikain ng Balabac Strait SSS Project para sa pangmatagalang pag-unlad at pamamahala ng espesyal na karagatan ng Balabac.

Tagalog Manual, Ilalabas ng PCSDS

Upang lalong maintindihan ang mga polisiya, batas at mga resolusyong napagtibay ng PCSD, ilalabas na ng PCSDS ang tagalog manual ng lahat ng mga importanteng patakaran na itinataguyod ng PCSD.

Ang mga polisiya na nasa pormang ingles ay isinalin sa tagalong/Pilipino ng PCSDS katuwang ang guro mula sa Palawan State University, Holy Trinity College at Western Philippines University.

Pararamihin ng PCSDS ang sipi ng Manual upang ibahagi sa mga kaugnay na mga kaakbay na nais magkaroon ng sipi nito, tulad ng mga LGUs, ahensya ng gobyerno, komunidad at iba pa. Ilulunsad at ipapamahagi na ang seremonyal na sipi nito sa 15th year anniversary ng SEP sa June 19th 2007.

Download PDF Version

Reporter Supplement April 07.PDF
Download this Newsletter in PDF