|
Home>2009 PCSD News Releases
News Report
Alex S. Marcaida
Media Bureau Chief PCSD
October 5, 2009
ECAN BOARD NG BAWAT MUNISIPYO,
PINAPALAKAS NG PCSDS
Pinapalakas ngayon ng Palawan Council for Sustainable Development and Staff ang ECAN Board ng bawat munisipyo. Ito ay upang maipatupad ng maayos at wasto ang Environmentally Critical Areas Network o ECAN sa bawat komunidad. Ang ECAN ay isang sistema sa pag-uuri at pagtatakda ng mga lupain mula sa kagubatan hanggang sa karagatan ayon sa angkop na gamit at proteksyon nito.
Naniniwala ang PCSD na ang ECAN Board ang tumatayong maliit na PCSD ng isang munisipyo. At malaki rin ang maitutulong nito sa pagpapatupad ng Strategic Environmental Plan for Palawan Act para tuluyan nang matiyak ang maayos na pangangasiwa ng likas-yaman sa pamamagitan ng wastong paggamit at makamtan ang tunay na pangmatagalang kaunlaran o sustainable development.
Mahalaga ang ECAN dahil ito ay isa ring paraan upang maagapan ang climate change at mapaghanadaan ng wasto ang kinabukasan ng pamayanan ng Palawan.
October 6, 2009
MGA KUWEBA SA CALAMIANES, PATULOY NA TINATASA
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Palawan Council for Sustainable Development and Staff sa mga lokal na pamahalaan ng Palawan. Ito ay upang makipagtulungan ang mga ito sa pangangalaga ng mga kuweba sa lalawigan.
Kaugnay nito, ayon kay District Manager Engr. Teodoro Baltazar ng District Management Office-Calamianes, masusing pinag-aaralan ng kanilang grupo ang lahat ng mga kuweba sa lugar.
Layon nitong matasa ang labas at loob ng kuweba nang sa gayon ay mapag-aralang mabuti kung ito ay maaaring pang-ekoturismo o kaya ay nangangailangan ng masusing pangangalaga upang mabigyan ng proteksyon ang mga halaman, hayop, insekto at anumang bagay na makapagbibigay ng sapat na impormasyon patungkol sa ating kasaysayan at kultura, na makikita sa mga kweba.
Lubos din ang pasasalamat ng DMO-Calamianes Area sa mga lokal na opisyales sa kanilang kooperasyon upang magkaroon ng maayos na implementasyon sa mga batas pangkalikasan sa kanilang komunidad.
October 7, 2009
ALITUNTUNING PANGKALIKASAN, PINASISIGLA
Pinasisigla ngayon ng Palawan Council for Sustainable Development and Staff ang iba pang mga alituntuning pangkalikasan. Ito ay upang lalong madagdagan ang kaalaman ng ating mga kababayan sa wastong paggamit ng kalikasan at mamulat ang kaisipan sa kahalagahan ng kapaligiran para sa pangmatagalang kaunlaran o sustainable development.
Naniniwala ang PCSDS na sa pamamagitan ng pagiging mulat sa pagpapahalaga ng kalikasan at kapaligiran, malaki ang maitutulong nito upang malabanan o masugpo ang climate change.
Isa sa mga ipinapaliwanag ng opisina ay ang The Seven Environmental Principles. Ang mga patuntunang ito ay ang sumusunod: Una: Ang kalikasan ang tunay na nakakaalam o nature knows best; pangalawa: ang lahat ng uri ng may buhay ay mahalaga; pangatlo: ang lahat ay magkakaugnay; pang-apat: ang lahat ay nagbabago; panglima: ang lahat ay may pagkakaugnay o everything must go somewhere; pang-anim: ang kalikasan ay may hangganan; at ang pangpito: maganda ang kalikasan at tayo ay tagapangasiwa ng lahat na ginawa ng Diyos.
Kamakailan lamang, ito ay ipinaliwanag sa ilang mga komunidad sa bayan ng Rizal, Palawan.
October 13, 2009
MGA KUWEBA SA CALAMIANES,
PATULOY NA TINATASA
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Palawan Council for Sustainable Development and Staff sa mga lokal na pamahalaan ng Palawan. Ito ay upang makipagtulungan ang mga ito sa pangangalaga ng mga kuweba sa lalawigan.
Kaugnay nito, ayon kay District Manager Engr. Teodoro Baltazar ng District Management Office-Calamianes, masusing pinag-aaralan ng kanilang grupo ang lahat ng mga kuweba sa lugar.
Layon nitong matasa ang labas at loob ng kuweba nang sa gayon ay mapag-aralang mabuti kung ito ay maaaring pang-ekoturismo o kaya ay nangangailangan ng masusing pangangalaga upang mabigyan ng proteksyon ang mga halaman, hayop, insekto at anumang bagay na makapagbibigay ng sapat na impormasyon patungkol sa ating kasaysayan at kultura, na makikita sa mga kweba.
Lubos din ang pasasalamat ng DMO-Calamianes Area sa mga lokal na opisyales sa kanilang kooperasyon upang magkaroon ng maayos na implementasyon sa mga batas pangkalikasan sa kanilang komunidad.
October 14, 2009
PCSDS, NAKIKIPAG-UGNAYAN SA LOKAL NA PAMAHALAAN
NG BUSUANGA PARA SA COASTAL MARINE ZONING
Aktibong ipinapatupad ng Palawan Council for Sustainable Development and Staff-District Management Office-Calamianes Group ang coastal marine zoning sa mga bayan dito.
Isa sa mga tinututukan nito ay ang bayan ng Busuanga kung saan hiniling ng mga lokal na opisyales na mabigayn sila ng technical assistance patungkol sa pangangalaga at pagsosona ng kanilang karagatan.
Isa sa mga layunin nito ay ang pagbuo ng isang kumprehensibong plano ng kanilang karagatan na magiging batayan ang mga pag-aaral ng gamit ng bawat sona.
Tinitiyak ng PCSDS na sa bawat pagkilos nito sa larangan, lagiang kinakaugnay ang mga Lokal na Pamahalaan para sa maayos na pagpapatupad ng batas pangkalikasan sa kanilang nasasakupan.
|